Patay ang isang street sweeper nang mabangga ng isang motorsiklo habang nagwawalis sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal nitong Biyernes ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang nakilala lang na si Gemma Cruz dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-3:45 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa E. Rodriguez Highway, Brgy. San Jose, sa Rodriguez.

Kasalukuyan umanong nagtatrabaho si Cruz at ang saksing si Elma Venancio nang bigla na lang mabangga ng motorsiklong minamaneho ng suspek ang biktima.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sa lakas ng impact nang pagkakabangga ay tumilapon pa ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Renzo Futol, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.