Dalawang batang lalaki ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa bulubunduking bahagi ng Plaridel, Quezon, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang magkapatid na sina Lorenzo at Reynan Dela Cruz, kapwa taga-Sitio Libis, Barangay Tanauan.

Sa paunang imbestigasyon ng Plaridel Police Station, dakong 6:30 ng gabi nang maganap ang sunog.

Sinabi ng pulisya, madaling kumalat ang apoy dahil gawa light materials ang bahay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Halos hindi na makilala ang dalawang bata nang matagpuan ang kanilang bahay sa loob ng bahay.

Iniwan ng ina ang dalawang anak sa kanilang bahay upang umani ng gulay dakong 4:20 ng hapon.

Gayunman, natupok na ang bahay ng mga ito nang umuwi ang kanilang ina kinagabihan.

Sinabi pa ng pulisya, hindi kaagad na nai-report sa mga awtoridad ang insidente dahil walang kapitbahay ang mga ito.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.