Kabilang na rin si Acting Press Secretary Cheloy Garafil sa nanawagang protektahan ang mga mamamahayag sa bansa kasunod na rin ng pagpatay kay hard-hitting broadcaster Percy Lapid (Percival Lapid) sa Las Piñas nitong Oktubre 3.

Inilabas ni Garafil ang panawagan matapos bumisita sa burol ni Lapid sa Manila Memorial sa Parañaque City nitong Biyernes.

Isa aniyang personal trip ang pagtungo nito sa lugar dahil matagal na niyang kaibigan si Roy Mabasa, kapatid ni Lapid.

"I came here because Roy is a friend. Dati kami nag-cover sa DFA and police beat. 'Di ko personally kilala si Percy but,siyempre I am concerned for the family," paglilinaw nito nang kapanayamin sa telebisyon.

Tinatayang nasa 600 kataong nasa resibo ng OVP, pinapaberipika ng Kamara sa PSA

"We will always be one with the media. And we are putting interest and their rights atnakikiisasaindustrypara maprotektahan ang media practitioners sa bansa," aniya.

Nanawagan din siya sa pamahalaan na bigyan ng katarungan ang pagkakapaslang kay Lapid.

"I hope truth will come out and justice will be served … The police will play a major role in this. And I understand medyo nagkakaroon na ng development sa case, sa pag-identify ng killers. I hope,magkatuloy-tuloy para ma-solve ang tragic end," banggit ni Garafil.

Kahit aminado si Garafil na mahirap ang tinanggap niyang puwesto, handa pa rin ito sa unang araw ng kanyang trabaho sa Lunes, Oktubre 10.

"Napaka-importante ng opisina ng OPS (Office of the Press Secretary). Marami siyang kaakibat na issue and responsibility. So siyempre sobrang pressure but give me this weekend to rest and relax para Monday, sasabak na tayo," dagdag pa nito.