August 08, 2026

Home BALITA National

Ilang concern citizen, nagpadala ng donasyon pampiyansa ng ex-soldiers—Atty. Baligod

Ilang concern citizen, nagpadala ng donasyon pampiyansa ng ex-soldiers—Atty. Baligod
Photo courtesy: MB

Inihayag sa publiko ni Atty. Levito “Levi” Baligod na may ilang mga indibidwal daw ang nagpadala ng pera para makapagpiyansa ang ex-soldiers sa kinakaharap nilang kaso. 

Matatandaang noon pang Biyernes, Agosto 7, 2026, pinoproseso at tinatrabaho ni Baligod ang pagpapiyansa para sa mga natitirang miyembro ng “ex-soldiers” sa Las Piñas Regional Trial Court (RTC) laban sa kinakaharap na kasong perjury at cyberliber ng mga ito. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Baligod, 'naiintindihan' umano desisyong pagtiwalag ng 4 sa 18 ex-soldiers!

Sa naging pahayag naman ni Baligod sa Las Piñas RTC madaling-araw nitong Sabado, Agosto 8, inilahad niyang marami raw mga Pilipinong nagbigay ng kontribusyon para sa kaniyang mga kliyente. 

Partikular sa mga nagpadala umano ng ₱1000 mula sa Cebu at Manila, at ₱30,000 mula sa isang Overseas Filipino Worker (OFW). 

National

LPA sa labas ng PAR, lumakas bilang tropical depression!

“Marami tayong kababayan na nag-contribute. May nagpadala ng ₱1000 galing sa… Cebu at sa saka dito sa Manila, ₱1,000. Meron ding OFW na nagpadala ng ₱30,000,” pagsisimula niya. 

Pahabol pa niya, “Marami. May mga ₱5,000. So nakaipon kami.” 

Ani Baligod, naging dahilan daw ito para makapagpiyansa sila ng halagang ₱140,000 sa San Juan at ₱679,000 naman sa Caloocan noon. 

“Nakita ‘yan ng mga sundalo natin. So nakapagpiyansa sila ng about ₱140,000 in San Juan. Sa Caloocan naman, mga ₱679,000,” aniya. 

“Salamat po sa ating mga kababayan na nagbigay ng tulong,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang lumitaw sa mga balita noong gabi ng Huwebes, Agosto 6, ang pagtiwalag ng apat na miyembro ng “18 ex-soldiers.” 

Habang noon naman Biyernes, inihayag sa publiko ng Las Piñas RTC na may 10 miyembro daw ng ex-soldier ang hindi nakumpleto ang ilang requirements sa itinakdang oras para makapagpiyansa.

Dahilan ito para dalhin sila sa Las Piñas City Jail, kung saan mananatili silang nakapiit habang kinukumpleto ang proseso ng kanilang bail. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Pinagsamantalahan sila!' Trillanes, inurong kaso sa 4 na tumiwalag sa 18 ex-soldiers

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Baligod sa pag-uurong ng kaso ni Trillanes sa 4 ex-soldiers: 'Okay lang'