August 07, 2026

Home BALITA National

Atty. Baligod sa pag-uurong ng kaso ni Trillanes sa 4 ex-soldiers: 'Okay lang'

Atty. Baligod sa pag-uurong ng kaso ni Trillanes sa 4 ex-soldiers: 'Okay lang'
Photo courtesy: MB

Tinatanggap umano ng tumatayong abogado ng 18 ex-soldiers na si Atty. Levito “Levi” Baligod ang naging pag-uurong ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa apat na tumiwalag na miyembro ng naturang grupo. 

Kaugnay ito sa inanunsyo ni Trillanes nitong Biyernes, Agosto 7, 2026, sa pag-uurong niya ng kaso sa apat na tumiwalag na ex-soldiers dahil nakikisimpatya raw siya, bilang isang sundalo, sa pagkawala ng kabuhayan at pananamantalang naranasan ng mga ito mula sa mga taong may maitim na politikal na layunin.

“Bilang dating sundalo, nagsisimpatya ako sa pinagdadaanan nila na dahil sa kawalan ng kabuhayan ay pinagsamantalahan sila ng mga taong may madilim na layuning political,” aniya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Pinagsamantalahan sila!' Trillanes, inurong kaso sa 4 na tumiwalag sa 18 ex-soldiers

Sa naging pahayag ni Baligod sa panayam sa kaniya ng media nito ring Biyernes, sinabi niyang “okay lang” daw ang naturang pag-aatras ng kaso ni Trillanes dahil ang mga ito rin umano ang nagtrabaho para tumiwalag ang apat na miyembro ng grupo ng kaniyang mga kliyente. 

National

'Nakonsensya siguro!' Sen. Erwin, 'expected' na raw pagtiklop ng 4 ex-soldiers

“Okay lang. Kasi sila naman ang nagtrabaho nito para umatras sila, e. Okay lang ‘yon. Normal sa may mabigat ng problema,” pagsisimula niya. 

Paliwanag ni Baligod, may mga naging aktuwal na pag-uusap at text messages naman daw sila ng apat na tumiwalag na ex-soldiers at handa niya raw itong ipakita sa ikakasa nilang press conference sa darating na Sabado, Agosto 8. 

“May mga verbal kaming pag-uusap, meron ding text messages at ‘yan ay iniipon ko para maipakita ko bukas,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, personal daw ang pangunahing mga naging dahilan ng apat na tumiwalag na ex-soldiers at gusto na rin daw manahimik ng mga ito. 

“Very personal kasi ‘yong rason nila. Ang una, sinasabi nila na takot na sila sa kanilang seguridad. Gusto na rin nilang manahimik kasi hirap ‘yong biyahe-biyahe pabalik [ng] Manila,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Baligod, 'naiintindihan' umano desisyong pagtiwalag ng 4 sa 18 ex-soldiers!