NEGROS ORIENTAL - Tumaas pa ang kaso ng dengue sa lalawigan kung saan dalawa pa ang naiulat na nasawi kamakailan, ayon sa ulat ng Provincial Health Office.

Paliwanag ni Assistant Provincial Health Officer, Dr. Liland Estacion, lumobo ng 203 porsyento ang kaso nito mula Enero hanggang Oktubre 1 ng taon, batay na rin sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Sa ngayon aniya, nasa 1,747 na ang kaso ng dengue sa probinsya.

Walo na rin aniya ang namatay sa dengue, kabilang ang dalawang bagong nasawi kamakailan.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Sa datos aniya sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, nasa 576 ang bilang ng kaso, gayunman, walang naitalang binawian ng buhay.

Kabilang sa mga lugar na nakitaan ng mataas na kaso nito ang Canlaon City, Dumaguete City, Bayawan City, Guihulngan City, La Libertad, Sibulan, Bais City, Sta. Catalina, Siaton, at Valencia.

“I am reiterating my appeal to the public to please don't let your guard down against dengue. This is the epidemic year and as you can see, the cases continue to rise so we must be mindful of cleaning our surroundings,” sabi pa ni Estacion.

PNA