Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang political analysts sa unang 100 araw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Paliwanag ni Prof. Froilan Calilung,  mabagal umano ang Pangulo kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang itinatalagang kalihim ng Department of Health (DOH).

Nakaapekto rin aniya sa adminitrasyong Marcos ang kontrobersya sa illegal na kautusang pag-aangkat ng asukal sa bansa, dagdag pa ang imbestigasyon sa mga ilang miyembro ng Gabinete nito.

Binanggit naman ng isa pang political analyst na si Professor Edmund Tayao, kailangan na talagang magkaroon ng bagong DOH secretary.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Aniya, kasalukuyang pinamumunuan ni officer-in-charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang DOH.

Pinansin din ni Tayao ang kawalan umano ng Philippine development plan (PDP) ni Marcos. 

Iginiit din nito na dapat ilabas ng Pangulo ang PDP bago matapos ang taon.