Matapos ang paghihimutok, naibalik na ang Facebook page ng vlogger-actress na si Ivana Alawi nitong Huwebes, Oktubre 6.

Shinare niya ito sa mismong Facebook page niya.

"I'm back!! Finally naibalik at naayos na ng Meta yung page ko, Working na sila to fix our Ivana Skin page," anang aktres.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang naghimutok si Ivana noong Oktubre 3 na bigla na lang daw naglaho ang kaniyang verified Facebook page sa hindi malamang dahilan.

“My 19 Million Verified page disappeared with No Warning, No Violation, No report and no email. A few hours later my business page for @ivanaskinph also disappeared. It’s not a bug… No reports, No reason. Why??” saad niya sa kanyang Instagram post.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/10/05/verified-facebook-page-ni-ivana-alawi-naglaho-aktres-naghimutok/