Nanawagan si Rizal 4th District Representative at chairman of the House Committee on Labor and Employment na si Fidel Nograles sa mga employer na ganap na suportahan ang flexible working arrangement.

Ang panawagan ay isinusulong sa pamamagitan ng Republic Act (RA) No. 11165 o ang Telecommuting Act of 2018.

"With the release of the expanded rules for the telecommuting law, we hope that more employers will implement flexible working arrangement for their workers. Madalas ngang sabihin na 'a happy worker is a productive worker.'"

Ani Nograles, kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na gumugol ng mas maraming oras kasama ang kanilang mga pamilya nang hindi humahadlang sa pagiging produktibo, iyon ay magiging maganda para sa lahat ng panig.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Matatandaan na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Setyembre ang revised implementing rules and regulations (IRRs) ng telecommuting law sa pamamagitan ng Department Order (DO) No. 237.

Ayon sa DOLE na ang binagong IRR ay inilabas bilang tugon sa nagbabagong kalikasan ng trabaho dulot ng Covid-19.

Binigyang-diin din dito ang mas malawak na paggamit ng work-from-home (WFH) at iba pang alternatibong mga scheme sa lugar ng trabaho.

Sinabi ni Nograles na ang pagpapalabas ng binagong IRR ay napapanahon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at mga problema sa pampublikong sasakyan.

Aniya, ang mga oras na nawala sa trapiko ay pera din at nawawala ang pagiging produktibo. Kung mas maraming employer ang magpapatupad ng mga alternatibong iskema sa lugar ng trabaho, maaari nilang mapataas ang produktibidad at matulungan pa ang kanilang mga empleyado na makayanan ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin.

"This is an arrangement that will benefit all concerned," ani Nograles.