Arestado ang 'di umano'y dalawang lalaking magnanakaw nitong Linggo, Oktubre 2, sa Candaba Pampanga.

Batay sa ulat ni Pampanga Acting Provincial Director Alvin Consolation, agad na rumesponde ang pulisya nang makasagap sila ng ulat tungkol sa insidente ng pagnanakaw. 

Nangyari ang pagnanakaw sa isang grocery store na matatagpuan sa loob ng Candaba Public Market sa Brgy. San Agustin.

Nadakip doon ng awtoridad ang mga suspek na sina Renneland Pangilinan at Jonar Sibug. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam sa kanila ang mga ninakaw na grocery items at bold cutter.

DInala ang mga naaresto sa Candaba police station para sa imbestigasyon.