Matatag pa rin ang presyo at suplay ng gulay na nagmumula sa Cordillera Administrative Region (CAR) ilang araw matapos bayuhin ng Super Typhoon 'Karding."

“We were not affected by the typhoon, we only had winds so vegetable plantations did not suffer a lot,” pagdidiin ni DA-CAR regional director Dr. Cameron Odsey.

Aniya, nakapagtala lang sila ng napakaliit na pinsala kumpara sa ibang lugar na hinagupit ng bagyo.

Sa imbentaryo ng pampubliko at pribadong trading facilities sa La Trinidad, Benguet nitong Setyembre 28, binanggit ni Odsey na umabot sa 2,018 metriko toneladang gulay ang naani sa naturang rehiyon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ibinibiyaheaniya ang mga gulay sa mga pamilihan saBaguio City, La Trinidad, National Capital Region, Mindanao, at Palawan.

PNA