May 22, 2026

Home BALITA National

Atty. Jimmy, Sen. Bato nagdasal muna sa 'Holy Spirit' bago umeskapo sa Senado!

Atty. Jimmy, Sen. Bato nagdasal muna sa 'Holy Spirit' bago umeskapo sa Senado!
File Photo

Nakapagdasal pa umano sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang kaniyang counsel na si Atty. Jimmy Bondoc sa Holy Spirit bago tuluyang umeskapo ang senador sa Senado noong madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14, 2026. 

Ayon sa naging panayam ng mamamahayag na si Victoria Tulad kay Bondoc nitong Lunes, Mayo 18, mariing nilinaw ng naturang abogado na hindi raw niya alam ang lokasyon ng kinaroroonan ni Dela Rosa. 

“We really do not know and I think this is intentional on the part of Bato to keep and safeguard his loved ones,” pagsisimula niya. 

Ani Bondoc, hindi rin daw niya masasabing alam ng mismong pamilya ni Dela Rosa ang kinaroroonan nito dahil internal family matter na raw ito ng senador.

Pagkukuwento ni Bondoc, natatandaan raw niyang magkasama pa sila ni Dela Rosa, nakapag-usap pa raw sila tungkol sa mga legal remedies para sa senador at magkasamang nagdasal sa Holy Spirit mga bandang 1:00 ng madaling-araw noong Huwebes.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“About an hour before he left. Magkasama pa kami siguro [noong] mga 1 am, something like that. Nag-uusap pa kami ng legal remedies, nagdasal pa kami ng From Holy Spirit,” aniya. 

Giit ni Bondoc, wala raw siyang kahit anong ideya na may plano si Dela Rosa na umeskapo sa Senado noong puntong iyon na magkasama pa sila. 

“Wala po kaming kaide-ideya na he had plans to do that,” paglilinaw niya. 

Pagpapatuloy niya, hindi rin daw siya nakasisiguro kung aalis ba ng bansa si Dela Rosa dahil may sarili raw itong pagpapasya bilang isang military strategist.

“Of course, I cannot assure anything. I did not even know he was coming here, I did not even know he’s going because it’s a military strategist. I don’t want to promise anything I cannot guarantee,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang opisyal na naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa matapos itong muling bumalik at dumalo sa sesyon ng Senado noong Mayo 11, 2026.

Tila naging mainit pa ang tensyon sa pagitan ni Dela Rosa ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos takbuhan ng senador ang mga naturang opisyal para isilbi sana ang arrest warrant ng ICC laban sa kaniya. 

Noong gabi ng Mayo 13, ginulantang ang publiko at mga media nang umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril se Senado mula sa mga opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at NBI. 

Base sa mga lumabas na ulat, sa pagkatapos ng kaguluhan at insidenteng ito nakalusot at nakalabas si Dela Rosa sa Senado. 

KAUGNAY NA BALITA: Dela Rosa, nilaglag si Cayetano; pumasok lang para sa kudeta sa Senado

KAUGNAY NA BALITA: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa