Pasok sa Top 3 finalists ang Bonuan Buquig National High School sa Dagupan City para sa World's Best School Prize sa ilalim ng Environmental Action category nito. 

Ito ang natatanging eskuwelahan sa Pilipinas na nakapasok sa naturang patimpalak.

Isa sa mga adhikain ng naturang paaralan ay maipakita sa kanilang mga mag-aaral ang pagpapahalaga sa kalikasan kabilang dito ang pagtatanim ng mga mangrove.

Taong 2009 sa kasagsagan ng Bagyong Pepeng, nawalan din ng kabuhayan ang mga tao at sinira nito ang mga mangroves sa Dagupan. Kaya naman naisipan ng BBNHS na maglunsad ng mangrove planting programme upang makapagtanim muli ng mga mangrove at maisalba ang waterways.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Nakipagtulungan ang paaralan sa Department of Environment and Natural Resources upang magkaroon sila ng karagdagang kaalaman tungkol sa pagtatanim ng mga mangrove.

Makakalaban ng BBNHS ang dalawa pang paaralan sa ibang bansa ito ay ang Green School Bali sa Indonesia at International School of Zug and Luzern sa Switzerland. 

Upang tulungang manalo ang BBNHS, maaaring mag-register at bumoto sa pamamagitan ng link na ito: https://t.co/r9JKZu10Fu. Bukas ang botohan hanggang Oktubre 3, 7:59 PM.