Instant milyonaryo ang isang taga-Quezon matapos na magwagi ng tumataginting na ₱58.7 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi.

Batay sa paabiso ng PCSO nitong Sabado, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination ng Mega Lotto 6/45 na 34-24-07-44-21-38 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na ₱58,796,739.60.

Nabili umano ng mapalad na mananaya ang kanyang lucky ticket sa Lucena City.

“Winning ticket for MegaLotto 6/45 Game bought from Lucena City, Quezon won the jackpot prize of₱58,796,739.60 for September 23, 2022 draw,” anang PCSO.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong identification cards.

Samantala, mayroon rin namang 17 mananaya ang nagwagi ng tig-₱32,000 na second prize matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.