Isa pang bagyo ang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Huwebes ng umaga.

Ito na ang ika-11 na bagyong pumasok sa bansa ngayong 2022, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang nabanggit na bagyo na pinangalanang 'Karding' ay huling namataan 1,265 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

“At 8:00 a.m. today, the Low Pressure Area East of Central Luzon developed into Tropical Depression #KardingPH. Tropical Cyclone Bulletins will be issued starting at 11:00 a.m. today,” banggit ng PAGASA.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ng PAGASA, hindi pa nakaaapekto sa bansa ang bagyo na patuloy pa rin nilang binabantayan.

Kaugnay nito, maaapektuhan naman ng southwest monsoon o habagat ang western section ng Central at Southern Luzon sa susunod na 24 oras.

Uulanin naman ang bahagi ng Visayas, Palawan, kabilang na ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro dulot ng habagat at thunderstorm, sabi pa ng PAGASA.