Tinanggap na ni Kapamilya star Belle Mariano ang kaniyang parangal bilang "Outstanding Asian Star" ng 17th Seoul International Drama Awards 2022 ngayong Setyembre 22, 2022.

Ito ay batay sa update ng "Star Cinema" sa kanilang Instagram page.

Si Belle ang kauna-unahang Pilipina na nakatanggap nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/belle-mariano-unang-pinay-actress-na-kinilala-bilang-outstanding-asian-star-ng-seoul-international-drama-awards/">https://balita.net.ph/2022/09/06/belle-mariano-unang-pinay-actress-na-kinilala-bilang-outstanding-asian-star-ng-seoul-international-drama-awards/

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Goosebumps 🥹," saad sa caption ng IG post.

"Filipino pride! First-ever Filipina recipient of Outstanding Asian Star award at the #SeoulInternationalAwards ✨".

Nakasuot ng pink evening gown si Belle nang tanggapin ang kaniyang tropeo.

Ang mga Pilipinong aktor naman na nakatanggap ng parangal na ito ay sina Kapuso stars Alden Richards at Dingdong Dantes noong 2019 at 2020.

Congrats, Belle!