Cabagan, Isabela -- Natagpuan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRMMO), Santo Tomas Police, at Cabagan Police Station ang bangkay ng isang babaeng nahulog sa  Cansan Overflow Bridge noong Miyerkules, Setyembre 21. 

Kinilala ng Isabela Police Provincial Office ang biktima na si Marilyn Masiddo, 30, housewife at residente ng San Rafael Alto, Sto. Tomas, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang nasabing biktima ay lulan ng motorsiklong may sidecar TMX 155, itim, may plate number na BC11775 na minamaneho ni Rody Aggabao, 58, ng Sto. Tomas Isabela, sa kahabaan ng Cansan Overflow Bridge nang aksidenteng mabangga niya ang gilid ng tulay.

Ang biktima sa likod ng driver ay nahulog sa ilog. Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Cabagan Police kasama ang mga tauhan ng MDRRMO at narekober ang biktima. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol