Nagbigay ng reaksiyon ang kaibigan ni Deniece Cornejo na si Cedric Lee kaugnay ng muling pagbuhay ngayon sa mga nabasurang kaso noon sa TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/">https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/

Batay sa sunod-sunod na tweet ng reporter ng ABS-CBN na si Nico Baua, sinabi umano ni Lee na kailangan nang harapin ni Vhong ang kaniyang mga kasalanan.

Nasabi rin umano ni Lee na ngayong nakakulong na ang dating Department of Justice Secretary na si Leila De Lima, yumao na ang abogado ni Vhong na si Tony Calvento, at wala nang prangkisa ang home network ni Vhong na ABS-CBN, kailangan nang harapin ni Vhong ang kaniyang mga kaso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinawag pa umanong "serial rapist" ni Lee si Navarro.

Ayon pa kay Lee, may authorization siya mula kay Cornejo na tanggapin ang arrest warrant na inilabas laban kay Navarro, dahil nasa out of town ito.

Samantala, umaapela naman ang kampo ni Navarro para sa kaniyang piyansa kaugnay ng kasong rape na isinampa sa kaniya ni Cornejo, na nag-ugat pa noong 2014.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/21/kampo-ni-vhong-navarro-umaapela-sa-korte-na-makapagpiyansa-sa-kasong-rape/">https://balita.net.ph/2022/09/21/kampo-ni-vhong-navarro-umaapela-sa-korte-na-makapagpiyansa-sa-kasong-rape/