Ipinagbabawal muna sa publiko ang paglangoysa mga beach sa Cordova, Cebu matapos makitaanngfecal coliformbacteria dahil na rin umano sa mga floating cottages na walang septic tank.

Bukod dito, iniutos na rin ni Cebu Governor Gwen Garcia sa mga operator ng mga floating cottages sa lugar na tanggalin na ang kanilang istraktura hanggang Oktubre 5 upang na hindi na i-demolish.

Ang kautusan ay bunsod na rin ng pagkumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)na mayroong presensya ng fecal coliform sa nakuhang sample ng tubig sa karagatang bahagi ng Barangay Catarman.

“There is an urgent need to immediately prohibit public swimming and similar activities found within the coastal waters of Cordova, Cebu delineated by the technical descriptions,” ayon sa kautusan ni Garcia.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nilinaw ng gobernador, bawal maligo sa lahat ng lugar na nasasaklawan ng beach ng Cordova.

Paliwanag ni Garcia, nagpatawag siya ng pagpupulong kung saan tumanggi umano ang mga may-ari ng mga floating cottage na tanggalin ang kanilang istraktura kaya binigyan niya sila ng palugit na hanggang Oktubre 5 ng taon.

Kamakailan, naglabas na rin ng direktiba si Garcia na nag-uutos sa mga operator na hanggang Agosto na lang ang kanilang floating cottages upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng karagatan sa lugar.

Nangako rin ang gobernador na bibigyan nila ng₱10,000 ang bawat operator ng 73 floating cottages na apektado ng naturang hakbang.