May payo ang Kapuso actor na si Richard Yap sa mga kapwa niya lalaking pamilyado na.

Ayon sa isang ulat, upang maiwasan ng isang lalaking may asawa o pananagutan na, huwag na huwag siyang magbibigay at magpapakita ng motibo at tiyaking alam niya ang kaniyang prayoridad.

"Don't flirt, don't show any motives and always make sure that you know your priorities," ani Yap.

"My priorities are my family and my work, so I always make sure that I don't do anything to harm them," dagdag pa ng aktor na unang sumikat bilang si "Papa Chen" sa teleseryeng "My Binondo Girl" noong nasa ABS-CBN pa siya, at mas lalong sumikat bilang "Sir Chief" sa "Be Careful with my Heart" katambal si Jodi Sta. Maria na muling ire-rerun sa Kapamilya Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kahit na may asawa at mga anak na si Richard Yap, talaga namang kinakikiligan pa rin siya bilang leading man. Kailanman ay hindi siya naisyu sa kaniyang mga naging leading lady.