Naratipikahan na ng mga residente ang paghahati ng Maguindanao sa idinaos na makasaysayang plebisito nitong Sabado.

Ito ang kinumpirmang Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo at sinabing batay sa official plebiscite municipal canvass results, panalo ang "Yes" sa botong 706,558 kumpara sa "No" na umabot lamang sa btong 5,209.

Ang resulta ng plebisito ay inaasahang isasapubliko ng provincial plebiscite board of canvassers sa Buluan, Maguindanao anumang oras mula nitong Linggo.

Matatandaangpinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11550 noong Mayo 2021 kung saan binabanggit na mahahatilamang ang Maguindanao pagkatapos ng plebisito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Magiging dalawa na ang lalawigan--ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Ang Maguindanao del Norte ay binubuo ngBarira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, at Talitay.

Kabilang naman sa Maguindanao del Sur angAmpatuan, Buluan, DatuAbdullaSangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan,ShariffAguak,SharifSaydonaMustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, at South Upi.