Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit line 3 (MRT-3), Light Rail Transit line 2 (LRT-2), at Philippine National Railways (PNR) sa mga government worker para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service sa Lunes, Setyembre 19.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito raw ay bahagi ng "Treat to Government Workers" ng Civil Service Commission. 

“The free rides offered to our government workers in our major rail lines is the Department of Transportation’s (DOTr’s) way of honoring them. These civil servants give important contribution and perform indispensable role to nation building,” saad ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

Ma-aavail ng mga government worker ang libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 mula 7:00 A.M. hanggang 9:00 A.M. at mula 5:00 P.M. hanggang 7:00 P.M.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, ang PNR naman ay magkakaloob ng libreng sakay sa buong araw, mula first trip hanggang last trip sa lahat ng ruta.

Kailangan lamang ipakita ng mga government worker ang kanilang ID bilang patunay na sila ay nagtatrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno.