'HAPPY BIRTHDAY, HON KO!'

Isang sweet birthday message ang ibinahagi ng aktres na si Cherry Pie Picache para sa kanyang jowa na si Edu Manzano.

"To my good looking man, no doubt… more importantly is, to this good good human being….crazy, pero….who isn’t and he’s my crazy," sey ni Cherry Pie sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 14.

"Happy happy birthday hon ko!!! Thank you so much for sharing your gift of life to me and to so many others you so generously share it with. We’ll celebrate soon!!!," mensahe pa niya sa 67-anyos na aktor.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nobyembre noong nakaraang taon nang aminin ni Edu na may relasyon sila ng aktres.