Itinakda na sa Setyembre 18 ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa United States upang dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA).
Pagdidiin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, mananatili sa US si Marcos hanggang Setyembre 24.
Inaasahang ilalatag ni Marcos sa UNGA sa Setyembre 20 ang mga hakbang ng gobyerno tungo sa pagbangon nito sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19)."We are going to expect that his speech will be relating to how the Philippines will be recovering from this pandemic, and where he intends to take this and how he will do so in cooperation with other states," banggiit ni Angeles sa isang public briefing.
Sa pahayag naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Kira Danganan-Azucena, dadalo si Marcos sa general assembly dakong 3:15 ng hapon sa New York o dakong 3:15 ng madaling araw (oras sa Pilipinas) sa Setyembre 20.
Ang tema ng general debate sa UNGA ay,"Watershed Moment, Transformative Solutions to Interlocking Challenges."
"We can expect the President's statement to identify these challenges and the solutions to address them, the role of the United Nations and how the Philippines intends to contribute to these efforts," sabipa ni Azucena.