Hindi na matatamasa simula 2023 ang “Libreng Sakay” bukod sa iba pang programa ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng paghihigpit na ng sinturon ng Department of Budget and Management (DBM).

Hanggang Disyembre na lang mai-enjoy ng mga komyuter sa Metro Manila ang “Libreng Sakay,” bike lanes, at PUV modernization dahil sa limitadong pondo ng gobyerno para sa ilang prayoridad na programa.

Matatandaan na ipinatupad ang nabanggit na programa sa EDSA Bus Carousel, LRT at MRT, bukod sa iba pa, sa kasagsagan ng Covid-19 outbreak sa bansa.

Sa kamakailang pagpupulong ng DBM sa Kongreso, ipinagpaliban ng Kapulungan ang diskurso kaugnay ng dagdag na pondo ng DOTr para sa mga napahintong programa.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“In beau of the limited fiscal phase, we need to prioritize which among the competing priorities of the national government we should be funding based on our assumptions,” ani Ma. Cecilia Abogado ng DBM.

Pagtitiyak naman ng ahensya, may nakalaang P112 bilyon para sa Metro Manila Subway system.

Basahin: DOTr: Bahagi ng Meralco Avenue sa Pasig, isasarado simula Oktubre 3 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang simula Oktubre 3, hinihikayat ng DOTr ang mga motorista na iwasan ang north at southbound portions ng Meralco Avenue sa Pasig Citysa pagsisimula ng konstruksyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP) – Shaw Boulevard Station.

Ilan pang matatamang gusali, at pasilidad ang inaasahang ililipat para sa paglulunsad ng multibillion project.