Binigyang-pagkilala ng Senado si Filipino tennis sensation Alex Eala dahil sa ibinigay na karangalan sa bansa matapos sungkitin ang kampeonato sa US Open girls' singles sa New York City, United States, kamakailan.

Si Eala ang unang Pinoy junior Grand Slam singles champion.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 199, binigyang-pugay ng Senado ang 17-anyos na atleta nang matalo nito sa nasabing laban sijunior French Open champion Lucie Havlickova ng Czech Republic.

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, ipinakita ni Eala ang kanyang kakayahang gapiin si World No. 3 Havlickova.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Naniniwala naman siSenate President Juan Miguel Zubirinamagsilbing inspirasyon ng iba pang atleta ang pagkapanalo ni Eala.