Ibinahagi ng dating basketball player na si Doug Kramer ang kaniyang plano para sa kaniyang fitness journey ngayong malapit na siyang sumapa sa 40s, na sana raw ay mapanatili niya hanggang 60s.
"Me and against myself," panimula ng mister ni Cheska Garcia-Kramer sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 9, 2022.
"In order to challenge myself, I put a personal fitness level goal, and that is to be at my best physical shape, healthiest, by the time I turn 40. Then sustain till I'm 60!"
Ramdam na raw ni Doug na kapag nagkaka-edad na, humihina na ang metabolismo ng katawan.
"It's true, as you get older, your metabolism will slow down tremendously. If I chose to let go, golly I can smash a whole pizza and cake all to myself!"
"I don't have to, but I WANT to. So a lot of discipline is needed. So much good food to resist, and habits to change. But I'm willing to take the road less traveled. Health is wealth!" ani Doug.
Suportado naman ito ng kaniyang misis na si Cheska.
"You're my fitness idol! I wish I was as committed and disciplined as you!!!"
"Love you baby," tugon naman ni Doug.
"Thank you to our Team Kramer glam team for drawing my abs and putting low light! Haha! Joke," pabirong sey ni Doug sa mga miyembro ng kaniyang glam team.
Pinuri naman ng mga netizen ang kasalukuyang physique ni Doug, batay sa kalakip na litrato ng kaniyang IG post.
"Yummy!"
"HotDaddyOfTheCentury"
"Keep being awesome, Doug!"
"Mr. Biceps est 2002."
Isang netizen naman ang nagkomento at nagbigay-payo na tila "dad bod" na raw si Doug kaya kailangan na itong mas alagaan pa.
"Dad bod na si Daddy Doug. Need to watch your diet."
Bagay na kinomentuhan naman ng isang netizen na tila hindi nagustuhan ang kaniyang paninita.
"Seryoso po kayo ito ang dad bod sa inyo?????"
Sa puntong ito ay tila umawat naman sa napipintong "bardagulan" si Doug at sumang-ayon na lamang sa sinabi ng netizen.
"Ahaha tama naman teach. I'm a daddy with a body :) dad bod :)."
Tumutukoy ang "dad bod" sa slang term para sa mga middle-aged na lalaki na medyo malaman, may beer belly, subalit hindi naman overweight.