June 08, 2026

Home BALITA Politics

Updated na? Posisyon nina Sen. Win, Sen. Alan, pinalitan na sa Senate website

Updated na? Posisyon nina Sen. Win, Sen. Alan, pinalitan na sa Senate website
Photo courtesy: via Senate Website

Bumulaga sa website ng Senado ang updated version ng listahan ng mga senador ngayong 20th Congress matapos mapansin ng netizens ang posisyon nina Senate Pro tempore at Acting Senate President Win Gatchalian at Sen. Alan Peter Cayetano.

Sa kabila nang tila pagkakaroon ng dalawang magkahiwalay na liderato ng Senado—batay sa opisyal na website, si Gatchalian at Sen. Migz Zubiri lang ang nilagyan nila ng posisyon.

Makakikita sa website ng Senado na Senate Pro Tempore ang nakalagay sa ilalim ng pangalan ni Sen. Gatchalian habang Majority floor leader naman kay Sen. Zubiri.

Kapansin-pansin din na walang ibang titulo na nakalagay sa ilalim ng pangalan ni Sen. Cayetano maliban sa “Senator,” sa kabila ng pagmamatigas niyang siya pa rin umano ang lehitimong Pangulo ng Senado.

Matatandaang ginulat ni Sen. Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon noong Miyerkules, Hunyo 3—ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Politics

'Ang Senado hindi pwedeng rubber stamp ng Malacanang!' Sen. Alan, may banat sa Palasyo

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President. 

KAUGNAY NA BALITA: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

Sa kasalukuyan, patuloy na kinikilala ng Ehekutibo at Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ng Kamara ang liderato ni Gatchalian sa Senado.