Bahagyang bumaba ang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas nitong Linggo. 

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,230 lang ang nahawaan nitong Setyembre 11, mas mababa kumpara sa 3,165 nitong Setyembre 10.

Sa kabila nito, umakyat na sa 3,906,269 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa, kabilang na ang nakarekober na 3,818,281.

Bumaba naman sa 25,684 ang aktibong kaso nitong Linggo, kumpara sa naitalang 26,074 nitong Sabado.

National

Paglilipat ng sako-sakong NFA rice sa Visayas, ipinag-utos na ng DA

Gayunman, lumobo pa rin sa 62,304 ang binawian ng buhay sa virus.

Nakapagtala pa rin ng pinakamaraming kaso ng Covid-19 ang Metro Manila (9,182), Calabarzon o Region 4A (3,854) at Central Luzon (2,385).

Panawagan pa rin ng DOH, sumunod pa rin sa ipinaiiral na safety and health protocols laban sa sakit upang magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.