Siyam na lider ngCommunist Party of Philippines-New People's Army (CPP-NPA) na naka-base sa Valencia City, Bukidnon, ang sumuko sa militar, kamakailan.

Sa report ng Philippine Army-4th Infantry Division (4ID), nakilala ang mga ito na sinaRaquel Dahoyla, 41; Joen Morales, 30; Daniel Layanan, 23; Mary Jean Cololot, 28; Nelbert Binungkasan, 26; Warren Balanse, 30; Walisa Tinampakan, 28; Marlon Ampoan, 21; at Rey Unabia, 25.

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang mga rebelde nang sumurender sila kay 1st Special Forces Battalion (1SFBn) sa Barangay Mampayag, Manolo Fortich, Bukidnon, nitong Setyembre 8.

Isinuko rin ng mga ito ang tatlong M16 Armalite rifles, dalawang AK47 rifle at isang M1 Carbine rifle.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, nangako naman si 4ID commander, Maj. Gen. Wilbur Mamawag, na tutulungan nilang makapagbagong-buhay ang siyam na rebelde sa pamamagitan ngEnhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

PNA