Itinatayo na ng pamahalaan ang pabahay para sa mga residenteng nakaligtas sa pagtama ng bagyong 'Agaton' sa Baybay City, Leyte nitong Abril na ikinasawi ng 178 katao.

Paliwanag ng Baybay City government, ang proyekto ay ginagawa na sa Barangay Higuloan na ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mines and Geosciences Bureau (MGB) ay ligtas na pagtayuan ng pabahay.

Nasa 253 na pamilya ang makikinabang sa pabahay matapos mawasak ang kanilang tinitirahan sa Brgy. Mailhi dahil sa landslide sa kasagsagan ng bagyo noong Abril 2022.

Pinagbawalan na ng lungsod na manatili ang mga residente sa Brgy. Mailhi matapos ideklarang danger zone upang hindi na maulit ang insidente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Idinagdag pa ng city government na 40 units muna ang itatayo sa lugar para sa unang grupo ng mga residente.

Matatandaang bukod sa 178 na nasawi sa bagyo, mahigit pa sa 100 ang naiulat na nawawala na ipinapalagay na natabunan matapos tamaan ng landslide ang lugar.