CAMP DANGWA, Benguet – Arestado ang 64 na indibidwal na pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.

Batay sa datos ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 20 wanted person, na sinundan ng Benguet PPO na 19; Ifugao PPO, siyam; Abra PPO, pito; Apayao PPO, apat; Mt. Province PPO, tatlo at Kalinga PPO na may dalawang naaresto

Naaresto rin sa nasabing operasyon ang suspek nasi Arnold Baggaan na nakalista bilang No. 4 Most Wanted Person sa Regional Level.

Si Baggaan ay inaresto ng mga operatiba ng Kalinga PPO sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimeng panggagahasa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isa pang highlight ay ang pagsasagawa ng one-time big-time (OTBT) operation ng PROCOR noong Agosto 30 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 56 na indibidwal na wanted ng batas.