Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang kakulangan ng suplay ng tamban sa merkado.

Paliwanag ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, nasa 200 percent at 400 percent ang sufficiency level ng naturang isda sa nakaraang una at ikalawang tatlong buwan na salungat umano sa pahayag ng ilang grupo ng mga mangingisda.

“Unang-una, ito ay isang alegasyon na diumano'y magkukulang ang supply ng tamban. Straightforward natin pong sasabihin na wala po tayong kakulangan sa supply ngayon ng tamban,” aniya.

Nangako rin ito na iimbestigahan nila ang napaulat na kinakapos na ng suplay ng tamban sa mga pamilihan sa bansa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Gayunman, sinabi nito na posibleng naapektuhanng masamang panahon ang pangingisda kaya apektado na rin ang suplay nito.

Nahihirapan din aniya ang mga commercial fishing boat na makapangisda dahil ipinagbabawal ng batas sa pangisda ang pananatili ng mga mangingisda sa 15 kilometro mula sa tabing-dagat, maliban na lamang kung mayroong pahintulot ng local government.