Nasa 1,491 na indibidwal ang apektado ng bagyong Henry, ayon sa pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes. 

Sa ulat ng NDRRMC, ang nasabing bilang ng mga residente ay mula sa 16 na barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon at Cordillera.

“Ang napuruhan talaga ay 'yung ating nasa Region 2, 'yung Batanes, 'yung parts of Cagayan. Pero we can say na very minor ang effect nito sa kanila,” pagdidiin ni NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV sa panayam sa telebisyon nitong Setyembre 5.

Sa nasabing bilang, 140 na residente ang nananatili sa labas ng mga evacuation center habang ang 13 na indibidwal ay pansamantalang nasa evacuation center.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pitong bahay naman ang naiulat na napinsala sa Cordillera at pitong kalsada at isa pang tulay sa Cordillera ang hindi pa binubuksan sa mga motorista.

Idinagdag pa ng NDRRMC na isa lang ang naiulat na nasawi sa bagyo sa Ilocos.