CATANAUAN, Quezon -- Patay ang isang barangay kagawad habang namamahala sa kanyang tindahan nang pagbabarilin ng suspek na nagpanggap na kostumer noong Sabado ng gabi sa Barangay Ajos sa bayang ito.

Dead on the spot si Ramil Advincula, 55, barangay kagawad ng nasabing lugar dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, alas-6:50 ng gabi habang nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktima nang lapitan siya ng hindi pa nakikilalang suspek at nagpanggap na bibili ng bottled water at softdrinks.

Ngunit, bigla na lang siyang pinagbabaril ng suspek ng ilang beses, at tumakas na sumakay sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng Mulanay.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Ang insidente ay ini-report sa pulisya ng anak ng biktima na rumesponde sa nasabing lugar at mabatid na pinaputukan ng suspek ang biktima ng tatlong beses.

Nagsagawa ng dragnet operation at follow-up investigation ang Catanauan police upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek, gayundin ang salaysay ng mga saksi at nagsisikap na mangalap ng CCTV footage sa mga kalapit na lugar, ayon kay PSSG Michael Adao, officer on case.