Nabawi muli ng San Miguel Beermen ang PBA Philippine Cup title matapos patumbahin ang TNT Tropang Giga, 119-97, sa kanilang winner-take-all Game 7 sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Ito pa lang ang unang pagkakataong naiuwi ng San Miguel ang titulo sa Philippine Cup mula 2019.

Rumatsada ang Beermen sa fourth quarter sa naitalang 17-0 run at tinabunan ang abante ng Tropang Giga, 89-84, sa pagpasok ng huling bahagi ng laban.

Sinamantala ng San Miguel ang pagkakatalsik sa laro ni TNT center Poy Erram matapos bigyan ng hard foul si Moala Tautuaa sa huling bahagi ng ikalawang bahagi ng bakbakan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha ng Beermen ang bentahe, 101-89 sa last period hanggang sa maiuwi ang panalo.

Kaugnay nito, naiuwi naman ni June Mar Fajardo ang Honda PBA Press Corps Finals Most Valuable Player dahil na rin sa solidong laro nito sa naibuslong 19 puntos, 18 rebounds, limang assists at dalawang steals.

Namuno naman sa TNT si Jayson Castro sa naipong 32 puntos, 10 rebounds at walong assists.