Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong 'Henry' na patuloy pa ring nananalasa sa tatlong lugar sa northern Luzon.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng lumabas ng bansa ang bagyo sa Setyembre 3, Sabado ng gabi, o sa Linggo ng umaga.

Isinailalim pa rin sa Signal No. 2 ang Batanes habang ang Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana) ay nananatili pa rin sa Signal No. 1.

Babala ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang matinding pag-ulan sa mga natukoy na lugar sa susunod na 24 oras.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inaasahan namang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm angMetro Manila, Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, at Occidental Mindoro dulot ng tinatawag na trough o extension ng bagyo at habagat (southwest monsoon).

Huling namataan ang bagyo 360 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 150 kilometro kada oras at bugsonghanggang 185 kilometro bawat oras.