Posibleng taasan ng ₱5 kada kilo ang presyo ng bigas sa susunod na buwan upang makabawi sa malaking gastos sa pagtatanim, ayon sa isang grupo ng mga magsasaka.

Ayon kay Federation Free Farmers Cooperatives national manager Raul Montemayor, sa abono pa lang, dumadaing na ang mga magsasaka dahil umabot sa ₱3,000 ang presyo nito kada sako na dati ay nasa ₱1,000 lang.

Mataas din aniya ang presyo ng krudo na ginagamit ng mga magsasaka.

Nilinaw ng grupo, hanggang sa ngayon ay hindi pa ipinamamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang ₱5,000 fuel subsidy sa mga magsasaka.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ganito rin ang pahayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na nagsabing walang ibang mapagpipilian ang mga magsasaka kundi magtaas ng kanilang presyo.

Paliwanag ng grupo, ang lokal na bigas na nabibili ng ₱38 kada kilo sa merkado ay papatungan ng ₱5.00.

Umapela rin ang mga magsasaka sa gobyerno na huwag nang umangkat ng bigas at pagtuunan na lang ng pansin ang local production upang hindi sila malugi.

Nauna nang inihayag ng grupo na ang patuloy na pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan ay nakaaapekto sa presyo ng palay.

Nauna nang inihayag ng grupo na ang patuloy na pag-aangkat ng bigas ng pamahalaan ay nakaaapekto sa presyo ng palay.

Kaugnay nito, pag-aaralan naman ng DA ang plano ng mga magsasaka at sinabing babantayan nila ang paggalaw ng presyo ng palay.