Another milestone na naman ang na-achieve ng Pinay actress na si Andrea Brillantes matapos maging pinakabatang celebrity chief executive officer (CEO) ng isang business venture na nakatakdang ilunsad.

Inanunsyo ng aktres sa kanyang Facebook account na siya ang CEO ng isang kumpanyang pinangalanang A.B.G. Trading Inc.

Pagbabahagi pa ng aktres, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang magkaroon sila ng sariling negosyo.

"Five years old pa lang ako, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mag-artista. Pero maraming hindi nakakaalam na dream ko talaga ang magka-business for my family," ani Brillantes.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

"This business that I am launching this November has been in development for so long, and I am so happy that I can finally share it with you all very soon," dagdag pa ng youngest celebrity CEO.

Noong 2019, nakipagtulungan siya sa isang lokal na makeup brand para ilunsad ang sarili niyang cosmetics.

Matatandaan na bata pa lamang si Brillantes ay mataas na ambisyon nito kaya sumali ito sa mga talent contest sa edad na apat upang tumulong sa kanyang kapatid.

Labingpitong taong gulang naman siya nang matupad niya na magkaroon ng sariling "dream house."