Makalipas ang halos 10 taon, nabuo ulit sa isang larawan ang pamilya nina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa naganap na 18th birthday ng kanilang anak na si Sam noong Agosto 26.

Sa isang Instagram post ni Sunshine Cruz nitong Agosto 31, tila hindi makapaniwala ang aktres na mabubuo ulit sila sa isang family picture. 

View this post on Instagram

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Sunshine Cruz, sinagot ang basher na nagsabing 'bakit kasi nag-bold movies ka'

"Who would've thought that after almost 10 years mabubuo ulit in one frame! In God’s perfect time talaga," aniya.

Kahit ano pa raw ang nangyari noon ay hindi raw mawawala ang kanilang pagiging magulang nila sa kanilang mga anak.

"Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives," saad ng aktres.

Sa dulo ng kanyang post ay may quote tungkol sa pagpapatawad.

“When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future.”

Hudyat na ba ito na pinatawad na niya ang dating asawa?

Samantala, nag-komento ang aktres na si Karla Estrada at Teresa Loyzaga sa post ni Sunshine.

"Walang pamilya ang nasisira. Nag hihiwalay lang at mag kaka balikan ding muli. Basta para sa mga anak kaya nating harapin lahat bilang mga magulang. cheers shine! Para sa mga matibay na nanay na tulad mo," sey ni Karla.

"Amen sis@sunshinecruz718! GOD is good. Much respect and more Blessings to all of you! I said this before and I’ll say it again, You are one great mom! See you soon!" sey naman ni Teresa.

screenshot mula sa IG post ni Sunshine Cruz

Matatandaan na naghiwalay sina Sunshine at Cesar noong 2013 at na-annul ang kanilang kasal noong 2018. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae na sina Sam, Angelina, at Chesca.

Kaugnay na Balita: