Kapana-panabik na raw ang mga eksena sa teleseryeng "A Family Affair" na pinagbibidahan ng aktres at internet sensation na si Ivana Alawi, kasama ang kaniyang leading men na sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake, at Sam Milby.

Batay sa teaser, mukhang nalaman na ni Cherry Red (karakter ni Ivana) ang sikreto tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama, na kagagawan ng ama ng apat na magkakapatid na itinuring na niyang pamilya.

Pakiramdam daw ng karakter ni Ivana ay nababaliw na siya sa pagnanais na malaman ang katotohanan at makapaghiganti, kaya mula sa "Cherry Red" ay "Cherry Black" na siya, simbolo ng unti-unting pagbabago sa kaniyang karakter.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ivana Alawi (Larawan mula sa Twitter)

Ito ang kauna-unahang lead role ni Ivana kaya puring-puri ang mga netizen sa acting skills na ipinakikita ni Ivana. Puring-puri din ang unpredictable na mga pangyayari sa takbo ng kuwento.

"Ito 'yong teleseryeng unpredictable ang next scene… Kudos to the writer, director, staff and crew."

"Excited na ako sa pagbabago ni Cherry Red!"

"Paganda nang paganda ang mga susunod na eksena grabe goosebumps!"

"Ang ganda na talaga ng A FAMILY AFFAIR…"

Mapapanood ang "A Family Affair" pagkatapos ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" sa online platforms ng Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, at TV5.