Posibleng magsanib ang bagyong 'Gardo' at super typhoon 'Hinnamnor' na nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA, nag-iipon pa rin ng lakas ang bagyong 'Gardo' na kumikilos pa-hilagang kanluran sa dulo ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, posibleng magsanib-puwersa ang dalawang bagyo sa susunod na 24 oras.Huling namataan ang bagyong 'Gardo' sa 1,065 kilometro silangan ng dulong northern Luzon, taglay ang hanging 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hangganh70 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis 10 kilometro kada oras.
Papangalanang 'Henry' ang namataang bagyo sa labas ng PAR kapag nakapasok na ito sa bansa nitong Biyernes ng gabi o Huwebes ng umaga.