Pinaaalisang mga walk-in applicant na pumila sa labas ng mga tanggapan ngDepartment of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-asang makakuha ng educational cash assistance.

Ayon sa mga nakapilang aplikante, nitong Biyernes ng gabi pa sila pumila sa kabila ng abiso ng DSWD na hindi na sila tumatanggap ng mga walk-in upang maiwasan ang magulong pamamahagi ng cash assistance.

Sinabihan ng mga guwardiya ng DSWD sa Maynila ang mga nakapila na umuwi na lamang kung hindi nakapagrehistroonline sa pamamagitan ng QR code ngahensya.

"Pakiusap huwag na sana pumunta, masasayang ang Sabado n'yo, lalo kung mangungutang pa ng pamasahe," apela naman ni DSWD spokesperson Romel Lopez.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Gayunman, nagrereklamo ang karamihan sa mga nakapila at sinabing hindi nila alam ang bagong sistema.

"Hindi po talaga kami na-update. Nakaka-disappoint po siyempre 'di po ako papasok sa trabaho mamaya tapos magkano rin 'yung mawawala sa 'kin di ba?"Sayang po kasi ilang beses na po ako nag-absent sa trabaho para po asikasuhin 'to. Kasi working student po ako at single parent po 'yung mama ko kaya super need ko po talaga 'yung financial assistance na ibibigay," sabi ng isa sa mga pumilang estudyante nang kapanayamin sa telebisyon.

Idinadaing din ng ilang walk-in applicants na wala silang cellular phone kaya hindi sila makakapagrehistro online.

Nitong Sabado, nasa 1,250 aplikante lamang ang pinayagang pumila mataposmakapagharap ng patunay na mayroon silang DSWD appointment para makakuha ng educational assistance.

Matatandaang dinumog ng mga aplikante ang mga tanggapan ng DSWD nitong nakaraang linggo na nagresulta sa magulong sistema kaya iniutos ng ahensya na dumaan na muna sa online registration ang mga ito upang hindi na maulit ang insidente.