Pinasaringan ni Bong Madrid, ama ng Kapuso actor na si Ruru Madrid, si RR Enriquez dahil sa naging pahayag nito hinggil sa "no label" relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa isang Instagram post noong Agosto 24, tila hindi kilala ni Bong ang 'sawsawera' na si RR Enriquez. 

"Ah heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? anong show? nagpa-#prayforbianca, gigil daw siya sa 4 years na walang label," sey niya.

"Hindi niya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwedeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. Daming oras 'di siya busy," dagdag pa nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa dulo ng kanyang post ay may hashtag na #paginggitpikit.

Matatandaan na, matapos dagsain ng mga netizen ang kaniyang naging komento patungkol sa pagiging “Darna” ni Jane De Leon, ang sumunod na “sinawsawan” naman ni RR ang relasyon ng Kapuso artists na sina Ruru at Bianca.

Sa kaniyang Facebook post noong Agosto 23, tila “nanggigil” si RR nang malamang apat na taon na palang nagde-date sina Ruru at Bianca, subalit wala pa rin silang label.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/25/rr-enriquez-sumawsaw-sa-relasyong-ruru-bianca-four-years-and-yet-no-label/