Tumaas na rin ang presyo ng asin matapos ang anim na taon na hindi paggalaw ng suggested retail price nito, ayon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes.
Sa abiso ng DTI kamakailan, inaprubahan ng DTI ang presyong₱21.75 para sa 500 gramo ng iodized at₱23.00 para sa isang kilo ng rock salt.
Paglilinaw ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, walang kakulangan ng suplay ng asin sa bansa.
Umapela rin si Castelo sa publiko na intindihin na lamang ang sitwasyon ng mga nagtitinda nito na matagal nang hindi nagpapatong ng presyo.
"On the issue of supply, we have sufficient supply kasi marami tayo. We have three or four large companies na gumagawa ng asin tapos meron pa tayong mga imported,” paliwanag ni Castelo nang dumalo sa Laging Handa Public Briefing nitong Agosto 25.