Sinibak na ng Bureau of Customs (BOC) sa puwesto ang anim sa kanilang opisyal sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa umano'y sugar smuggling sa Port of Subic sa Zambales kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at sinabing "inilipat" sa opisina ni acting BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang mga naturang opisyal hangga't hindi pa natatapos ang pagsisiyasat sa usapin.

Kabilang sa tinanggal sa posisyon sa BOC-Port of Subic sina District collector Maritess Theodossis Martin; Deputy collector for assessment Maita Sering Acevedo; Deputy collector for operations Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes; Chief, assessment division Belinda Fernando Lim; Enforcement security service district commander Vincent Mark Solamin Malasmas at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) supervisor Justice Roman Silvoza Geli.

"The recall of officials from the Bureau of Customs-Port of Subic is standard procedure while an investigation is being conducted," depensa ni Ruiz nang kapanayamin sa telebisyon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang mahigit sa 7,000 metriko toneladang asukal ang nasamsam ng BOC sa Subic Port kamakailan alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lansagin ang iligal na pag-aangkat at pagtatago ng mga produkto.

Natuklasang inangkat sa Thailand ang nasabing 140,000 sakong refined sugar.

Nauna nang isinapubliko ng BOC na "recycle" ang permit sa pag-aangkat ng nadiskubreng kargamento.