Tila miss na miss na raw ng komedyante at tinaguriang "Dental Diva" na si Kakai Bautista ang pagtungo sa beach, hindi lang para lumangoy, kundi para umawra-awra habang suot ang kaniyang bikini.

Kaya naman, ibinahagi niya sa kaniyang social media ang ilang mga kuhang litrato niya habang nakasuot ng swimsuit at ineenjoy ang mga eksena sa beach.

Biro niya, mistula siyang "bold star" sa kaniyang mga pinaggagawang posing.

"Me as a bold star through the years. Charezzzzzz!!!🍓😆" pabirong caption ni Kakai.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Miss ko nang magbeachingst."

Umani naman ito ng mga papuri at komento mula sa mga celebrity, kagaya ng batikang broadcaster na si Korina Sanchez, Bela Padilla, MJ Lastimosa, at Geneva Cruz.

Marami rin sa mga netizen ang napa-wow sa kaniyang kaseksihan.

Naniniwala si Kakai na anuman ang hugis, hitsura, at kulay ng isang babae o ng isang tao, ito ay maituturing pa ring maganda, kaya hindi dapat nambabash kaugnay ng katawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/kakai-bautista-nang-umay-sa-socmed-anumang-hugis-hitsura-kulay-youre-beautiful/">https://balita.net.ph/2022/03/28/kakai-bautista-nang-umay-sa-socmed-anumang-hugis-hitsura-kulay-youre-beautiful/