Ibinahagi ng dating Kapuso actress (na naging Kapamilya rin) na si Bianca King na nagdadalantao na siya sa mister na si Ralph Wintle.

Ibinahagi ni Bianca ang magandang balitang ito sa pamamagitan ng kaniyang Instagram posts, Agosto 20.

"Guess how many weeks?" caption ni Bianca sa una niyang IG post, kung saan ibinida niya ang baby bump.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa pangalawang IG post naman, kasama niya sa litrato ang mister na si Ralph. Batay sa lokasyon ay nasa Sydney, Australia ang dalawa.

"I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us chase the dream of becoming parents, we were ready as ever," ani Bianca.

Hindi umano naging madali ang kanilang pinagdaanan sa pagkakaroon ng anak. Sumailalim pa siya sa iba't iba't proseso, subalit tila naghimala ang langit dahil nabuntis siya sa natural na paraan.

"It was a long journey to get here. It was not easy - being in our mid-late 30s. I mentally gave up and was about to do IVF. But surprise! A natural miracle happened."

Pinasalamatan ni Bianca ang kaniyang mister sa paggabay nito sa kaniya. Alam niyang magiging maalagag partner at ama si Ralph dahil naging "best dog dad" ito sa kanilang pet dog na si Willow. Hangad niya, sana raw ay mamana ng kanilang magiging anak ang mga katangian ng mister.

"I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama. Ralph is already the best dog dad, being so hands on with Willow. We both feel confident that we will be the best parents."

"I hope our baby inherits his looks and athleticism 😍 but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom."

Si Ralph Wintle ay kapatid ng mister naman ni Kapamilya actress Iza Calzado na si Ben Wintle. Kagaya ni Bianca ay nagdadalantao na rin si Iza.

Congrats Bianca at Ralph!