Umabot na sa 3,652,170 ang kaso ng coronavirus sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health  nitong Sabado.

Ito ay nang maidagdag ang 3,700 bagong kaso ng sakit nitong Agosto 20.

Naitala rin ng DOH ang 47 na bagong namatay sa Covid-19.

Sinabi ng DOH, kabilang sa bagong kaso ang 1,185 na nahawaan sa Metro Manila.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nasa 36,146 naman ang aktibong kaso ng sakit sa bansa.

Naiulat na nananatili pa rin sa Covid-19 Alert Level 1 ang National Capital Region hanggang Agosto 31