Patay ang isang negosyanteat dalawa ang naiulat na nasugatan nang tamaan ng kidlat sa Trece Martires City,Cavite nitong Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa ospital siEdrin Musa, ang may-ari ng tindahan, dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat.

Sa salaysay ng asawa ni Musa, tinamaan ng kidlat sa likod ang kanyang asawa at nangitim din pati ang dibdib nito.

Binanggit din na nagbabantay lamang sa kanilang tindahan si Musa sa Barangay San Agustin nang maganap ang insidente dakong 4:00 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sugatan naman sa insidente ang dalawang tricycle driver na siMark Arjay Layno, 26, at isa pang kasamahan.

Isinugod sa ospital si Layno at isinailalim sa medical check-up at pinauwi rin ito sa kabila ng iniindang sakit sa likod dahil sa epekto ng kidlat.

Kahit tinamaan ng kidlat, nagkaroon lang ng mild shock ang kasamahan ni Layno na hindi na dinala sa ospital.

Ayon kay Layno, nasa paradahan sila ng tricycle, katabi ang tindahan ni Musa nang maganap ang insidente.

Pinag-iingat naman ng Trece Martires City government ang publiko dahil sa madalas na pagkulog at pagkidlat na sinasabayan ng malakas na ulan, lalo na sa pagsapit ng hapon.